Anim sa Sampung Respondents sa Asya/Pasipiko ang Tumatangkilik sa Etikal na Pamimili
[This post has been translated from English to Tagalog. You can find the original post here. This translation was made possible with support from World Animal Protection courtesy of a grant from the Open Philanthropy Project.]
Ang resulta ng survey na ito ng MasterCard ay nagpapakita na tumataas ang pagpapahalaga ng mga taga-Asya/Pasipiko sa etikal na pamimili. Mahigit sa 80% ng Malaysian, Thai, at Tsinong mga respondent ang bumibili ayon sa fair trade principles; 60% ang nagsabing bumibili sila dahil ang ilang porsiyento ng benta ay naibibigay bilang donasyon para sa isang mabuting layunin.
Ang etikal na pamimili ay isang lumalagong trend sa rehiyon ng Asya/Pasipiko. Malaking bilang ng mga mamimili mula sa limang pamilihan ang nagsabi na handa silang magbayad nang higit sa karaniwan para sa mga bagay na makakalikasan, kabilang ang Tsina (94%), Thailand (87%), India (83%), Pilipinas (82%), at Hong Kong ( 77%). Mahigit 70% ng kabuuang bilang ng mga respondent ang nagsabing gagawa sila ng paraan para bumili ng mga bagay na makakalikasan.
Natukoy na mas gusto ng mga mamimili na bumili ng mga etikal na produkto sa mga retail outlet (60%) kaysa sa mga online channel. Gayunpaman, patungkol sa pagbili ng mga produkto sa online, 75% ng mga respondent ang nagsabing mas maraming pagpipilian sa online para sa mga produktong makakalikasan batay sa fair trade.
