Pagiging Vegan o Vegetarian: Maraming Paraan Para Maabot ang Isang Tunguhin
[This post has been translated from English to Tagalog. You can find the original post here. This translation was made possible with support from World Animal Protection courtesy of a grant from the Open Philanthropy Project.]
Background
Ang mga vegan ang pundasyon ng farmed animal advocacy. Kahit sa panahon ng mas mataas na pagtutok sa mga corporate lobbying campaigns, halos lahat ng advocacy groups ay nagsisikap para hikayatin ang mga tao na “subukan ang pagiging veg,” “maging vegan,” o “tanggalin na ang karne sa [kanilang] plato.” Marami sa mga kampanyang ito ang naghahatid ng mga aral na nakuha sa pagsasaliksik at impact evaluation, dahil mayroon na ngayong maayos na pag-aaral na tumutuklas sa kung paano tutulungan ang iba na lumipat sa pagiging vegan at vegetarian (na parehas na tatawaging mga veg*n sa ulat na ito).
Kasabay nito, ang mga pagsasaliksik tungkol sa kung paano matutulungan at mapapanatili ang mga bagong veg*n—lalo na ang mga nagkaroon ng pagbabago sa diyeta na labas sa konteksto ng isang kampanya para sa adbokasiya—ay napakalimitado. Ang pagpapaunlad sa pag-unawa at pagsuporta sa mga bagong veg*n ay napakahalaga dahil patuloy na tumataas ang exposure ng publiko sa plant-based eating at veganism. Ayaw namin na isipin ng mga tao na ang vegetarianism at veganism ay basta isang nauusong diyeta lang na sinusubukan at itinitigil. Ipinakita ng Faunalytics (2014) na mas marami ang mga dating veg*n sa U.S. kaysa sa mga veg*n sa ngayon, at marami sa kanila ang sinubukan ang diyeta sa maikling panahon lang.
Mga Paparating na Ulat
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang magbigay ng maaasahang impormasyon para malaman ng mga tagapagtaguyod ng veganism at vegetarianism kung paano gagawing permanente ang mga panandaliang veg*n. Ito ang una sa ilang mga ulat na ilalabas sa pag-aaral na ito.
- Ang ikalawang ulat, na darating sa susunod na mga buwan, ay tungkol sa pangkalahatan at espesipikong motibasyon ng mga tao para sa pagsisimula ng diyeta, kung paano nauugnay ang mga iyon sa kanilang pagtatagumpay, at ang kanilang antas ng speciesism sa simula at sa pagtatapos ng anim na buwan.
- Ang ikatlong ulat, na darating sa huling bahagi ng taóng ito, ay magpopokus sa napakahalagang tanong ng pagiging epektibo ng iba’t ibang estratehiya para malampasan ang mga hadlang sa pagpapanatili ng pagiging veg*n.
Ang proyektong ito ay nakagawa ng napakaraming datos, na lahat ay ipo-post sa Open Science Framework sa oras na makompleto na namin ang aming sariling mga pagsusuri at publikasyon. Pansamantala, kung mayroon kang karagdagang mga tanong tungkol sa pag-aaral na gusto mong maisaalang-alang namin, pakisuyong makipag-ugnayan sa [email protected].
Mga Kalahok
Kasama sa pag-aaral na ito ang 222 miyembro ng pangkalahatang publiko sa U.S. at Canada, na lahat ay nagsimulang lumipat sa isang vegan o vegetarian na diyeta sa loob ng nakaraang dalawang buwan.
Ang seksiyong Level of Commitment ng ulat na ito ay nagpapakita na mahigit sa 90% ng mga kalahok ang nagsabi na malamang o siguradong permanente nilang ipagpapatuloy ang kanilang bagong diyeta. Kaya baka pinakamabuti kung isasalang-alang ang mga kalahok na ito na dati ay interesado o gusto lang na magbago ng diyeta, pero ngayon ay handa nang magsikap para maabot ang tunguhin na pagiging veg*n.
Mga Pangunahing Natuklasan
- Karamihan sa mga tao ay unti-unti ang transisyon sa veganism o vegetarianism. 21% lang ng mga tao ang naging veg*n nang biglaan. 38% ang nagplanong lumipat sa loob ng ilang araw o linggo, 34% ang sa loob ng ilang linggo o ilang buwan, at 7% ang sa loob maraming buwan. Pagkalipas ng anim na buwan, ang mga tao na mas mabagal ang transisyon ay nakaramdam na hindi sila gaanong matagumpay at mas malayo sa kanilang tunguhin na diyeta kumpara sa mga taong mas mabilis ang transisyon—pero gaya ng iba, pareho lang ang posibilidad na ipagpatuloy nila ang diyeta.
- Para sa mga taong unti-unting nagbabawas, wala kaming nakitang matibay na ebidensiya na ang anumang paraan ng pagbabawas ay mas epektibo kaysa sa iba. Ang pagbabawas man ng mga tao sa kanilang kabuoang pagkonsumo ay unti-unti, ang pagbabawas man nila ng ilang partikular na pagkain ay unti-unti, o kombinasyon man ito ng dalawang nabanggit, ang antas ng tagumpay ay hindi gaanong naiiba.
- Sa transisyon sa pagiging vegan o vegetarian, imperfection ang panuntunan at hindi exception. Sa average, sa pagtatapos ng anim na buwang panahon ng pagsubaybay, nadama ng mga kalahok na sila ay 88% na matagumpay pero kumokonsumo pa rin sila ng 6.1 higit pang buwanang serving ng mga produktong hayop kaysa sa kanilang nilalayon. Dagdag pa, 28% lang ng mga kalahok ang nakadama na sila ay ganap na matagumpay, kahit na 57% ang nakamit o nalampasan ang kanilang tunguhin na antas ng pagkonsumo.
- Binawasan ng karaniwang tao ang kaniyang pagkonsumo ng produktong hayop ng 42.1 buwanang serving sa unang anim na buwan o higit pa sa transisyon sa pagiging veg*n. Ibig sabihin, kumain sila ng 42.1 mas kaunting mga serving ng mga produktong hayop bawat buwan sa pagtatapos ng pag-aaral kaysa noong bago nila simulan ang pagbabago sa diyeta. Para sa mga bagong vegetarian, nangangahulugan ito na mula sa humigit-kumulang 15 serving sa isang linggo, bumaba ito sa wala pang 6 na serving. Para sa mga bagong vegan, nangangahulugan itong mula sa humigit-kumulang 12 serving sa isang linggo, bumaba ito sa 1 serving na lang sa bawat isang linggo’t kalahati—hindi pa lubusan, pero malapit ito sa tunguhing maalis ang lahat ng produktong hayop sa kanilang diyeta.
- Ang pagpili sa veganism kaysa sa vegetarianism ay mukhang mas karaniwan ngayon kaysa dati. Sa pangkalahatang populasyon ng sampol na ito, 41% ng mga tao ay kumikilos patungo sa veganism. 59% naman ang patungo sa vegetarianism (1.4 beses na mas marami). Ikinumpara namin ang datos na ito sa aming pag-aaral noong 2014, na nagpapakita na noong panahong iyon, tatlong beses na mas marami ang mga vegetarian kaysa sa mga vegan. (Kasabay nito, ang mga pagkakaiba sa pamamaraan sa pagitan ng dalawang pag-aaral ay maaaring magpalaki sa pagbabago, kaya ang lawak nito ay dapat ituring na hindi tiyak.)
- Ang mga taong may asawa o mga anak ay may tendensiyang mahirapan sa kanilang tunguhin na pagiging veg*n pagkatapos ng anim na buwan kumpara sa mga taong walang asawa at walang mga anak. Ang mga natuklasang ito ay nagpapakita ng ilang pangunahing nakikipagkumpitensyang mga pangangailangan at nagpapahiwatig na maaari nitong gawing mas mahirap ang pagsulong.
Mga Rekomendasyon
- Maging commited na sa simula pa lang. Ang antas ng commitment ng kalahok sa simula ng pag-aaral (ibig sabihin, gaano sila kadeterminado na ipagpapatuloy nang permanente ang diyeta) ay isang makabuluhang indikasyon kung mapapanatili nila ang diyeta o hindi. Inirerekomenda namin ang pagdidisenyo ng isang epektibong pledge para sa iyong mga outreach campaign para mas maramdaman ng indibidwal ang pananagutan at commitment.
- Para bumagay sa paraan ng pamumuhay at pangangailangan ng bawat indibidwal, gumamit ng naaangkop na pledge sa halip na isang pledge na para sa lahat. Malaki ang pagkakaiba ng mga indibidwal. Gaya ng nakita natin sa pagsusuring ito, maraming iba’t ibang paraan para maging matagumpay at mabawasan ang paghihirap ng mga hayop sa pamamagitan ng diyeta, kahit na para sa mga taong pareho ang pinakatunguhin. Halimbawa, ang pag-aalis ng lahat ng produktong hayop nang sabay-sabay, pag-aalis ng mga pagkain nang paisa-isa hanggang sa maabot ang isang antas ng tunguhin, o pagtaas ng dami ng mga pagkaing veg*n bawat linggo hanggang sa maabot ang isang antas ng tunguhin. Inirerekomenda namin na una mong tukuyin kung ano ang gusto ng indibidwal, pagkatapos ay sundin ang gabay sa pagbuo ng epektibong pledge para mahikayat sila na maging determinadong sundin ang angkop na pledge na iyon, at hindi ang isang pledge na para sa lahat.
- Kilalanin at isaalang-alang na dahil sa kanilang personal na kalagayan ay maaaring maging mahirap na gumawa ng pagbabago, at magbigay ng angkop na suporta batay sa kakayahan mo. Nakita sa pag-aaral na ito ang mga situwasyon sa pamilya (ang pagkakaroon ng asawa at/o mga anak) ay maaaring isang pangunahing hadlang para sa maraming tao. Iminumungkahi naming matuto nang higit pa tungkol sa mga hadlang na ito mula sa mga nakakaranas nito at sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa iba pang pagsasaliksik sa paksa (hal., Asher & Cherry, 2015; Greenebaum, 2018). Ang pagtulong sa mga tao na makahanap ng mga paraan para malampasan ang mga hadlang ay mahalaga, pero mahalaga din na unawain ang hamon na napapaharap sa kanila para madama ng mga tao na suportado sila sa kanilang paglalakbay. (Ang rekomendasyong ito ay nakuha mula sa pagsasaliksik tungkol sa kung paano sinusuportahan ng pagtugon ang mga tunguhin; hal., Canevello & Crocker, 2010; Feeney, 2004).
Overview sa Pamamaraan
Nakatuon ang proyektong ito sa mga karanasan ng mga bagong vegan at vegetarian (para sa simplisidad ay tinutukoy bilang mga veg*n sa ulat na ito) sa U.S. at Canada. Pinakisuyuan ang mga kalahok na kompletuhin ang isang survey noong sila ay nag-sign up para lumahok, pati na rin ang anim na follow-up na survey na ipinadala buwan-buwan sa loob ng sumunod na anim na buwan.
Hindi ito mga tao na pare-pareho ang kampanya sa adbokasiya o nag-sign up para sa isang hamon, kaya ang kanilang mga karanasan at kadahilanan ay iba-iba at posibleng kumakatawan sa maraming paraan tungo sa pagiging veg*n. Nalaman namin na ang demographics ng aming mga kalahok ay medyo kumakatawan din sa pangkalahatang populasyon, pero tinimbang din namin ang mga resulta para maging mas malapit sa populasyon ng U.S. Para sa mga detalye, tingnan ang Mga Karagdagang Materyal.
Inirerekomenda namin na ang mga kalahok na ito ay ituring na kinatawan ng mga uri ng mga tao na nagsisimula ng mga bagong diyeta ng veg*n sa U.S. at Canada, na may isang exception. Tulad ng anumang pag-aaral, mahalagang isaalang-alang kung ang ilang mga tao ay mas may ganang lumahok kaysa sa iba. Sa kasong ito, malakas ang pakiramdam namin na ang mga taong nag-eeksperimento lang sa isang veg*n diet at hindi talaga determinado ay malamang na hindi kalahok dahil malabong mag-sign up ang isang indibidwal para sa isang anim-na-buwang pag-aaral tungkol sa isang bagay kung alam niyang ititigil din niya ito pagkatapos lang ng ilang linggo. Sinusuportahan ng kanilang naiulat na antas ng commitment ang pagpapalagay na ito, na inilarawan sa Mga Pangunahing Natuklasan at sa seksyong Level of Commitment na nasa ibaba.
Pagiging Kinatawan at Pagtitimbang
Para matiyak na ang sampol na ito ay kumakatawan sa mga bagong veg*n hangga’t maaari, sinundan namin ito ng isang paunang rehistradong plano ng pagkukumpara sa mga ito sa isang mas malaking sampol (n = 11,399) ng mga veg*n mula sa pag-aaral ng Faunalytics noong 2014. Nasisiyahan kaming malaman na ang kasalukuyang sampol ay tumugma nang husto sa karamihan ng mga demographics na iyon, pero para ma-maximize ang pagiging kinatawan, tinimbang namin ang mga resulta para tumugma. Para sa higit pang mga detalye ng pamamaraan ng pagkukumpara at pagtimbang, tingnan ang seksyong Detalyadong Pamamaraan sa Mga Karagdagang Materyal.
Attrition
Sa pangkalahatan, 65% ng mga kalahok ang nakakompleto sa buong pag-aaral: alinmang dahil sa natapos nila ang anim na buwang panahon ng pag-aaral na nagpapatuloy pa rin sa kanilang tunguhing diyeta o dahil sa pagkompleto ng isang “quit survey” (kahit na hindi ito inilarawan sa kanila sa ganiyang paraan).
Gaya ng inaasahan namin, ang antas ng pagkompleto ng indibidwal sa mga follow-up survey ay unti-unting bumababa sa paglipas ng panahon, mula sa 77% na kumompleto sa unang follow-up, pababa sa 56% sa ikaanim at huling follow-up. Kahit na ang mga ito ay mahusay na antas ng pagpapanatili para sa isang longitudinal study, laging mahalagang isaalang-alang kung ang mga taong huminto sa iyong pag-aaral ay naiiba sa mga nanatili (kilalá bilang differential attrition).
Maingat naming sinuri ang attrition gamit ang isang pre-registered na pamamaraan at nalaman naming walang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga taong nakatapos sa pag-aaral at sa mga hindi. Maaari kang magbasa nang higit pa tungkol dito at sa mga resulta sa seksyong “Detalyadong Pamamaraan” sa “Mga Karagdagang Materyal.”
Ang mga taong huminto na sa kanilang tunguhin na pagiging veg*n ay pinakisuyuan na kompletuhin ang isang “quit survey.” 19 lang sa aming 222 (9% unweighted) na kalahok ang nagsabing inihinto nila ang kanilang tunguhin na pagiging veg*n sa panahon ng pag-aaral.
Mga Konklusyon
Ang pag-aaral na ito ay isa sa mga unang pagtatangka na subaybayan ang maagang pagbabago sa diyeta sa isang mahaba-habang panahon. Ang unang ulat na ito ay nagbibigay ng kaunawaan sa mga taong commited sa pagiging veg*n at kung paano nila ito ginagawa sa “tunay na mundo,” sa labas ng konteksto ng isang kampanyang adbokasiya.
Malinaw mula sa mga resulta na ang mga paraan ng pagbawas ng mga tao sa kanilang pinsala sa mga hayop ay hindi perpekto at iba-iba. Nagbigay kami ng ilang halimbawa ng mga natatanging paglalakbay na ginagawa ng mga tao sa isang graphic sa seksyong “Mga Resulta.” Tingnan ang “Mga Sampol na Paglalakbay.”
Iminumungkahi namin na panatilihin ng mga tagapagtaguyod na bukás ang kanilang isip at tulungan ang mga tao na mahanap ang pinakaepektibong paraan para sa kanila. Para sa mga nagtataguyod ng veganism lang, hindi iyon nangangahulugan na kailangan mong ikompromiso ang iyong moral o baguhin ang pinakatunguhin mo, pero tandaan na maraming paraan ang maaaring humantong sa parehong resulta.
Mas Maraming Bagong Vegan Kaysa Dati?
Sa pag-aaral na ito, nalaman namin na 41% ng mga tao ang may tunguhin na magkaroon ng diyetang pang-vegan at 59% naman ang may tunguhin na magkaroon ng diyetang pang-vegetarian. Sa madaling salita, 1.4 beses na mas maraming tao ang nilayon na maging vegetarian. Kahit mas karaniwan din ang vegetarianism sa aming pag-aaral noong 2014, ang pagkakaibang naobserbahan noon ay mas kapansin-pansin. Noon, tatlong beses na mas maraming vegetarian kaysa sa mga vegan, at siyam na beses na mas maraming dating vegetarian kaysa sa mga vegan. Ipinapakita nito na mas maraming pumipili sa veganism kaysa vegetarianism sa ngayon kaysa dati—isang konklusyon na makatuwiran lang sa isang mundo kung saan ang plant-based market share ay tumaas nang malaki at ang mga malalaking hamon tulad ng Veganuary ay pumukaw ng atensiyon sa buong mundo.
Kasabay nito, mahalagang tandaan na mayroong malaking pagkakaiba sa pamamaraan sa pagitan ng kasalukuyang pag-aaral at ng aming pag-aaral noong 2014 na maaaring magpalaki sa pagkakaiba. Ang pag-aaral noong 2014 ay nangangailangan lang ng isang survey samantalang alam ng mga kalahok sa kasalukuyang pag-aaral na ang pag-aaral ay nilayon na tumagal nang hanggang anim na buwan. Kaya ang aming mga kalahok ay maaaring mas committed kaysa sa karaniwan, at kung ang mga bagong vegan ay mas committed kaysa sa mga bagong vegetarian, malamang na mas marami sila.
Vegan O Plant-Based?
Ang pokus ng pag-aaral na ito ay diyeta, pero nagtanong din kami tungkol sa iba pang paggamit ng produktong hayop. Halos kalahati (47.5%) ng mga kalahok na may tunguhin na magkaroon ng diyeta ng vegan ay mayroong tunguhin din na iwasan ang lahat ng mga produktong hayop na hindi pagkain. Kapansin-pansin na mahigit isang-katlo ng mga tao na may tunguhin na pagiging vegetarian (37.3%) ay may tunguhin din na iwasan ang lahat ng mga produktong hayop na hindi pagkain.
Sa pangkalahatan, nalaman namin na halos kalahati ng mga kalahok na tinutukoy namin bilang “vegan” sa ulat na ito ay ilalarawan bilang “plant-based eaters” ng mga taong naniniwala sa pagkakaibang ito sa moral na mga batayan. Gaya ng nabanggit dati sa ulat, naiintindihan namin ang pangangatwiran sa pagkakaibang ito, pero pinili naming huwag pag-ibahin ang dalawa sa ulat na ito dahil ang aming layunin ay para suportahan ang mga taong nagsimula nang bawasan ang kanilang pinsala sa mga hayop sa pamamagitan ng kanilang mga aksyon. Ito ay higit na binibigyang katuwiran ng pag-aaral, na nagpapakita na ang pagiging inclusive at pagkakaroon ng social support ay may positibong kapakinabangan sa maraming mga domain ng pagbabago ng pag-uugali at kagalingan, habang ang pag-iiba at pagbubukod ay may negatibong implikasyon (hal., DiMatteo, 2004; Korpershoek et al., 2019; Lemstra et al., 2016).
Ang Unti-unti at Hindi Perpektong Pagbabago ay Normal
Sa pagtatapos ng aming anim-na-buwang panahon ng pagsubaybay, 57% ng mga kalahok ang nakamit o nalampasan ang kanilang tunguhin sa diyeta, pero ang karaniwang kalahok ay kumokonsumo pa rin ng 6.1 buwanang serving ng mga produktong hayop nang higit pa sa nilalayon nila. (Para sa mga vegan, iyon ay 6.1 serving sa kabuuan. Para sa mga vegetarian, ito ay 6.1 serving bukod pa sa gaano man karaming serving ng dairy at itlog na nilayon nilang kainin).
Ang mas kapansin-pansin, 28% lang ng mga kalahok ang nakadama na sila ay 100% na matagumpay sa pagtatapos ng ikaanim na buwan, at ang average na antas ng pagkadama ng tagumpay sa pagtatapos ay 88%. Kapansin-pansin din na ang pagkadama ng tagumpay na iyon at ang mismong tagumpay sa pagkonsumo ay bahagyang magkaugnay lang. Ibig sabihin, hindi lubos na magkaugnay ang pagiging malapit sa iyong tunguhing pagkonsumo sa pagkadama na ikaw ay mas matagumpay. May mga taong napakahusay sa kanilang pagkonsumo pero nakakaramdam na hindi sila gaanong matagumpay dahil sa iba’t ibang kadahilanan, at may mga taong mas malayo pa sa kanilang tunguhin pero nakadama pa rin na mahusay ang ginagawa nila, malamang na dahil ang mas mabagal na transisyon ay kasama sa plano nila.
Nakita rin namin na hindi naging mabilis ang paglipat ng karamihan sa mga tao sa veganism o vegetarianism. Karamihan ay tumatagal nang hindi bababa sa ilang araw o linggo (38%), maraming linggo o ilang buwan (34%), o kahit maraming buwan pa nga (7%). 21% lang ang naging veg*n sa loob ng isang gabi. Kahit mas maraming kalahok na unti-unti ang paglipat ang nakadama na hindi sila gaanong matagumpay at mas malayo sa kanilang tunguhing diyeta sa pagtatapos ng anim na buwan, walang malaking pagkakaiba sa posibilidad na huminto sila o magpatuloy.
Dagdag na Hamon Dahil sa Responsibilidad sa Pamilya
Nalaman namin na ang mga taong may asawa ay mas malayo sa kanilang mga tunguhin na pagiging veg*n sa pagtatapos ng anim na buwan kaysa sa mga walang asawa, kahit nga ang mga matagal nang may asawa. Nagkaroon ng mas malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga taong mayroong anak at mga taong walang anak, dahil ang mga taong may mga anak ay mas malayo sa kanilang mga tunguhin. Ipinapakita nito na ang mga nakikipagkumpitensyang pangangailangan ay dagdag na hamon sa pagsulong.
Pero kahit ang mga indibidwal na ito ay mas malayo sa kanilang mga tunguhin, walang matibay na ebidensiya na mas malamang na itigil nila ang kanilang pagtatangka sa pagiging veg*n o na pakiramdam nila ay hindi sila gaanong matagumpay kung ikukumpara sa iba. Posible na iba ang pamantayan nila ng tagumpay, na isinasaalang-alang ang mga hamon na dulot ng kanilang mga responsibilidad sa pamilya. Iminumungkahi namin na alamin ng mga tagapagtaguyod ang tungkol sa (hal., Asher & Cherry, 2015; Greenebaum, 2018) at kilalanin ang mga hamong ito, na binibigyang-diin na posible ang ibang paraan habang pinapanatili ang commitment sa tunguhin.
Ang karagdagang pagsasaliksik sa mga paksa ay nagpapakita kung paano nakakaapekto sa iba’t ibang paraan ang mga kalagayan sa pamilya. Ang pagtulong sa mga tao na makahanap ng mga paraan para malampasan ang mga hadlang ay mahalaga, pero mahalaga din na unawain ang hamon na napapaharap sa kanila para madama ng mga tao na suportado sila sa kanilang paglalakbay. (Ang rekomendasyong ito ay nakuha mula sa pagsasaliksik tungkol sa kung paano sinusuportahan ng pagtugon ang mga tunguhin; hal., Canevello & Crocker, 2010; Feeney, 2004).
Related Posts
- In The Spotlight
Pagiging Vegan O Vegetarian: Mga Hadlang at Istratehiya sa Landas Tungo sa Tagumpay
Ito ang pangatlo at huling ulat sa aming serye na naglalarawan sa mga resulta ng longitudinal na pag-aaral ng Faunalytics ng mga bagong vegan at vegetarian (veg*ns). - In The Spotlight
Menjadi Vegan Atau Vegetarian: Motivasi dan Pengaruh
Tujuan dari penelitian ini adalah untuk menyediakan data yang konkrit bagi para advokat tentang bagaimana cara membantu para vegan/vegetarian baru untuk mempertahankan perubahan gaya hidup mereka. Laporan ini adalah laporan kedua dalam seri tiga bagian yang akan keluar dari penelitian ini. - In The Spotlight
Menjadi Vegan Atau Vegetarian: Motivasi dan Pengaruh
Tujuan kajian ini adalah untuk menyediakan data yang kukuh untuk penyokong tentang cara membantu veg*n baharu mengekalkan perubahan gaya hidup mereka. Ini adalah laporan kedua dalam siri tiga bahagian yang akan dikeluarkan daripada kajian ini. - In The Spotlight
Pagiging Vegan o Vegetarian: Mga Motibasyon at Impluwensiya
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang magbigay ng maaasahang impormasyon sa mga tagapagtaguyod kung paano matutulungan ang mga bagong veg*n na mapanatili ang kanilang bagong lifestyle. Ito ang pangalawang ulat sa serye na may tatlong bahagi na ilalabas sa pag-aaral na ito. - In The Spotlight
Menjadi Vegan Atau Vegetarian: Banyak Jalan Menuju Satu Tujuan
Studi ini adalah salah satu upaya pertama untuk melacak perubahan diet dini dalam jangka waktu yang cukup lama. Laporan awal ini memberikan pandangan tentang orang-orang yang berkomitmen untuk menjadi vegan/vegetarian dan bagaimana mereka melakukannya di “dunia nyata”, di luar konteks kampanye advokasi. - In The Spotlight
Menjadi Vegan Atau Vegetarian: Pelbagai Laluan Ke Satu Matlamat
Kajian ini adalah salah satu percubaan pertama untuk mengesan perubahan diet awal dalam tempoh masa yang agak lama. Laporan awal ini memberikan pandangan tentang orang yang komited untuk menjadi veg*n dan cara mereka melakukannya dalam "dunia sebenar", di luar konteks kempen advokasi. - In The Spotlight
Going Vegan Or Vegetarian: Many Paths To One Goal
Data about assisting and retaining new veg*ns is very limited. Our latest Faunalytics study looks at how we can improve our understanding and support of new veg*ns. - In The Spotlight
Ano ang Sinasabi sa Atin ng 15-Taóng Datos ng Kalakalan ng mga Hayop?
Sa pagsusuring ito ng Faunalytics, tinuklas namin ang 15-taóng datos ng legal na pag-aangkat ng mga hayop sa U.S., kung ano ang sinasabi sa atin ng mga numero tungkol sa katangian ng industriya, at kung ano ang maaari nating gawin para ihinto ito. - In The Spotlight
Fish Welfare: Sino ang Una Nating Tutulungan?
Sa pag-aaral na ito, sinusuri ng mga mananaliksik sa Fish Welfare Initiative ang buhay ng iba't-ibang uri ng mga farmed fish para matukoy kung saan natin dapat ituon ang ating mga pagsisikap. - In The Spotlight
Recreational fishing sa Buong Mundo: Mga Paunang Pagtatantiya
Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos at gumawa ng paunang pagtantya sa dami ng mga recreational fish na nahuli sa buong mundo. - In The Spotlight
Anim sa Sampung Respondents sa Asya/Pasipiko ang Tumatangkilik sa Etikal na Pamimili
Sa rehiyon ng Asya/Pasipiko, malaking bilang ng mga mamimili ang handang magbayad nang higit sa karaniwan para sa mga bagay na makakalikasan, at marami ang gumagawa ng paraan upang makabili ng mga etikal na bagay.
- In The Spotlight
Pagiging Vegan O Vegetarian: Mga Hadlang at Istratehiya sa Landas Tungo sa Tagumpay
Ito ang pangatlo at huling ulat sa aming serye na naglalarawan sa mga resulta ng longitudinal na pag-aaral ng Faunalytics ng mga bagong vegan at vegetarian (veg*ns). - In The Spotlight
Menjadi Vegan Atau Vegetarian: Motivasi dan Pengaruh
Tujuan dari penelitian ini adalah untuk menyediakan data yang konkrit bagi para advokat tentang bagaimana cara membantu para vegan/vegetarian baru untuk mempertahankan perubahan gaya hidup mereka. Laporan ini adalah laporan kedua dalam seri tiga bagian yang akan keluar dari penelitian ini. - In The Spotlight
Menjadi Vegan Atau Vegetarian: Motivasi dan Pengaruh
Tujuan kajian ini adalah untuk menyediakan data yang kukuh untuk penyokong tentang cara membantu veg*n baharu mengekalkan perubahan gaya hidup mereka. Ini adalah laporan kedua dalam siri tiga bahagian yang akan dikeluarkan daripada kajian ini. - In The Spotlight
Pagiging Vegan o Vegetarian: Mga Motibasyon at Impluwensiya
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang magbigay ng maaasahang impormasyon sa mga tagapagtaguyod kung paano matutulungan ang mga bagong veg*n na mapanatili ang kanilang bagong lifestyle. Ito ang pangalawang ulat sa serye na may tatlong bahagi na ilalabas sa pag-aaral na ito.