Istatistika at mga Chart ng Pagkatay ng Hayop sa Buong Mundo: 2020 Update
[This post has been translated from English to Tagalog. You can find the original post here. This translation was made possible with support from World Animal Protection courtesy of a grant from the Open Philanthropy Project.]
Halos dalawang taon na ang nakakaraan, naglathala kami ng serye ng mga blog na nagdokumento kung gaano karaming mga hayop ang kinakatay para sa pagkain bawat taon batay sa datos ng United Nations. Nagbibigay ang blog na ito ng updated at pinahusay na bersyon gamit ang pinakabagong datos, at may kasama pang dagdag na mga datos para sa dalawang karagdagang taon. Kung pagsulong ang pag-uusapan, nagdagdag kami ng pagsusukat para sa mga isda, gumawa ng isang bagong chart na makakatulong para mas madaling mailarawan ang datos, at pinagsama namin ang lahat ng impormasyon sa isang blog post, sa halip na maglabas ng isang blog post para sa bawat pangkat ng hayop.
Ang mga pangkat ng hayop na aming pinagtutuunan ng pansin ay baka, manok, baboy, tupa, at isda. Ang datos para sa mga hayop sa lupa ay bahagi ng FAOSTAT database mula sa Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations. Ang datos naman para sa mga isda ay nakuha mula sa database na “Global Production by production source 1950-2018”, na makikita sa FishStatJ, ang software para sa fishery at aquaculture mula sa FAO. Para sa mga hayop sa lupa, nagpokus kami sa bilang ng mga hayop na kinakatay para sa kanilang karne. Sa database ng FAOSTAT, tumutugma ito sa item na “Meat, {Animal group}”. Ang yunit para sa mga hayop sa lupa ang bilang ng mga hayop na kinakatay. Hindi ito ang kaso para sa isda, na sinusukat batay sa timbang (ang mga yunit ay maaaring tonelada o kilo). Para maiwasan ang pagkalito, pinili naming magsama ng hiwalay na time series para sa isda, na makikita sa pangalawang tab sa interactive line charts.
Pansinin na ang mga manok ay sinusukat sa ilang libo. Maliwanag na sila ang pinakatalamak na kinakatay na hayop sa lupa, kasunod ay ang mga baboy, tupa, at baka. Muli, tandaan na hindi natin maikukumpara ang bilang ng mga pinatay na isda sa bilang ng mga pinatay na hayop sa lupa dahil ang mga isda na ginagamit para sa produksiyon ay sinusukat batay sa timbang—kailangan nating tantiyahin ang isang average na bigat ng produksiyon ng isda sa lahat ng species. Ang lahat ng ganap na time series ay tila may pataas na trend, bagaman ang time series ng mga isda ay tila pantay simula noong mga 1990. Maaaring sabihin ng isa na ang mga pataas na trend na ito ay dahil sa paglaki ng populasyon, at maaari nating suriin ang argumentong ito sa pamamagitan ng paglalagay ng time series per capita.
Sa tulong nito, makikita natin na ang mga manok at baboy lang ang patuloy ang pataas ng trend. Ang mga tupa at baka naman sa ngayon ay malinaw na pababa ang trend. Samantala, ang time series para sa isda ay tumaas noong una, pero nagkaroon ng tuloy-tuloy na pababang trend mula noong 1990.
Naisip namin na maaaring nakapupukaw ng interes at kapaki-pakinabang na himayin ang mga time series na ito para makakuha ng ideya kung saan sa mundo pinakamaraming kinakatay ang iba’t ibang grupo ng mga hayop. Sa unang pagtatangka sa ganitong uri ng pagsusuri, nag-plot kami ng stacked area graph para sa iba’t ibang kontinente para sa bawat pangkat ng hayop. Pansinin na ang iba’t ibang pangkat ng hayop ay makikita sa iba’t ibang tab ng graph.
Mapapansin natin na para sa mga baka, ang ganap na bilang ng mga kinakatay na hayop ay bumababa sa Europe, pero tumataas sa Oceania, Asia, America, at Africa. Tungkol naman sa mga manok, mas maraming manok ang kinakatay sa paglipas ng panahon sa lahat ng mga kontinente. Mula sa stacked area graph para sa mga baboy, nalaman natin na ang pagtaas ng bilang ng mga kinakatay na baboy sa buong mundo ay pangunahin nang dahil sa malaking pagtaas ng pagkonsumo sa Asia. Ang bilang ng mga baboy na kinakatay ay tumaas din sa Oceania, America, at Africa, pero medyo walang gaanong pagbabago sa Europe. Kung titingnan ang datos para sa mga tupa, mapapansin natin ang malaking pagtaas ng bilang ng mga kinatay na tupa sa Asia at Africa, samantalang ang bilang ay tila bumababa sa Oceania, Europe, at America. Kapansin-pansin na ang Oceania ang may malaking bahagi sa bilang ng mga tupa na kinakatay sa buong mundo, kahit na ito ang kontinenteng may pinakamaliit na populasyon. Panghuli, kapag isinasaalang-alang natin ang isda, muli nating makikita na ang pangkalahatang pagtaas ng trend sa buong mundo ay pangunahing maiuugnay sa Asia. Mukhang may pataas na trend sa Oceania at Africa sa buong time series, at pababang trend naman para sa Europe at America mula noong mga 1990.
Nakita natin na ang malaking bahagi ng trend sa buong mundo ay dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kinatay na hayop sa Asia, at ang katotohanan na ang populasyon ng Asia ang pinakalumago (sa ganap na bilang) sa loob ng isinasaalang-alang na panahon, makakabuting suriin natin ang per capita stacked area graph.
Sa stacked area graph para sa mga baka, napansin namin na sa ngayon, ang karamihan sa mga baka ay kinakatay per capita sa Oceania. Bumababa ang bilang na ito para sa lahat ng kontinente maliban sa Asia, kung saan nagkaroon ng bahagyang pagtaas. Mula sa mga graph para sa mga manok, nalaman natin na sa lahat ng kontinente ay mas maraming manok ang kinakatay para sa bawat mamamayan. Kapansin-pansin na sa Oceania, Europe, at America, mas maraming manok ang kinakatay per capita kaysa sa Asia at Africa. Kung isasaalang-alang ang graph para sa mga baboy, nagiging maliwanag na ang malaking kontribusyon ng Asia sa pagtaas ng bilang ng mga kinakatay na baboy sa buong mundo ay dahil sa paglaki ng populasyon nito; bahagya lang ang paglaki ng bilang ng mga kinakatay na baboy para sa bawat karaniwang mamamayan ng Asia. Ang time series para sa Oceania, Europe, at America ay mukhang wala masyadong pagbabago at ang sa Africa naman ay may pataas na trend.
Ang parehong konklusyon tungkol sa kontribusyon ng Asia sa ganap na bilang ng mga kinatay na hayop ay kapareho rin pagdating sa mga tupa. Ang per capita number para sa Europe, Asia, America, at Africa ay mas mababa kaysa sa Oceania. Ang lahat ng mga kontinente ay parang may pababang trend per capita maliban sa Asia.
Panghuli, tiningnan namin ang stacked area graph para sa isda. Ang per capita na dami ng isda na ginamit para sa produksiyon sa America ay kapansin-pansin: ito ay lubhang napakataas, samantalang sa iba pang mga kontinente ay parang wala masyadong pagbabago sa trend. Ang time series para sa Oceania, Europe, at Asia ay bahagyang tumaas, at ang time series para sa Africa ay wala masyadong pagbabago.
Maaari pa nating himayin ang mga time series na ito sa pamamagitan ng paghahati-hati ng mga kontinente sa mga bansa. Para mailarawan ang distribusyon ng bilang ng mga kinatay na hayop sa iba’t ibang bansa nang malinaw hangga’t maaari, pinili naming gumamit ng mga interactive percentage maps.
Ipinakita nito na ang mga bansang may pinakamalaking bilang ng mga kinakatay na baka at manok ay ang China, United States, at Brazil. Tungkol naman sa mga baboy, pinakamaraming nakatay sa China, na sinusundan ng United States, Germany, Spain, Vietnam, at Brazil. Kung titingnan ang percentage graph para sa mga tupa, muli nating nakikita na ang China ang may pinakamaraming kinatay na tupa, sa pagkakataong ito ay sinundan ng Australia at New Zealand. Panghuli, ang dami (sa tonelada) ng isda na ginagamit para sa produksiyon ay pinakamataas sa China, Indonesia, Peru, India, Russia, at United States (sa ganoong pagkakasunud-sunod).
Muling nakakapanabik na suriin kung ang mga bansa na may mataas na ganap na bilang ng mga kinatay na hayop ay mayroon ding mataas na bilang ng per capita. Kami, samakatuwid, ay nag-plot muli ng parehong graph pero para na ngayon sa laki ng populasyon.
Makikita natin sa itaas na ang mga bansang may mataas na bilang ng kinatay na hayop tulad ng China, Brazil, at United States ay tila bumaba sa larawan. Tungkol naman sa bilang ng mga kinatay na baka, ang New Zealand ang may pinakamataas na bilang per capita: bawat taon, halos isang baka ang kinakatay para sa bawat naninirahan dito. Ang New Zealand ay sinusundan ng Uruguay, Ireland, at Australia. Ang bansa kung saan pinakamaraming manok ang kinakatay per capita ay ang Israel, na sinusundan ng Brunei, Mauritius, at Belarus. Ang pinakamaraming baboy na kinakatay per capita ay sa Denmark, Spain, Belgium, at Netherlands (sa ganoong pagkakasunud-sunod). Ang per capita percentage maps para sa mga tupa at isda ay pinangungunahan ng Falkland Islands. Ang iba pang mga bansa kung saan mataas ang bilang ng mga kinakatay na tupa per capita ay ang New Zealand, Mongolia, at Iceland. Ang Greenland, Iceland, at Kiribati ay mga bansa kung saan per capita, malaki ang bilang ng produksiyon ng isda.
Ang isang disbentaha ng paggamit ng mga percentage graph na ito, higit sa lahat, ay nagbibigay ang mga ito ng magandang ideya sa distribusiyon ng mga bansa. Kaya isinasama rin namin ang mga interactive world map graph (mga ganap at per capita na bilang) para madaling mahanap ng mga mambabasa ang datos para sa isang partikular na bansa. Maaari ring tingnan ng isa ang legend distribution para makita kung aling mga bansa ang nasa partikular na bahagi ng distribusyon.
Ang FAO ay natatangi sa kanyang kakayahang magbigay ng animal agriculture statistics sa buong mundo, pero may ilang mga tagapagtaguyod na nagbabangon ng tanong tungkol sa pagiging tumpak ng lahat ng kanilang istatistika. Ang isang kritika ng FAO stats ay matatagpuan dito. Gayunpaman, kapag tinatalakay ang pagkatay ng hayop sa buong mundo, ang mas maaasahang opisyal na data ay maaaring mahirap makuha. Sa pangkalahatan, ang mga numero ay nagbibigay sa mga tagapagtaguyod ng sa paanuman ay solidong longitudinal picture kung gaano karaming mga hayop ang nakonsumo sa buong mundo sa nakalipas na 60 taon o higit pa, at mga pangkalahatang trend sa iba’t ibang uri ng pagkonsumo. Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa hindi mabilang na mga paraan para ipaalam ang mga kampanya ng adbokasiya, mula sa mga lokal at panrehiyong kampanya, hanggang sa mas malawak na mga kampanya sa buong mundo.
