Ang misyon ng Faunalytics ay ang bigyang kapangyarihan ang mga animal advocates na may access sa pananaliksik, pagsusuri, mga estratehiya, at mga mensahe na maging mas epektibo para mabawasan ang paghihirap ng mga hayop.
Kailangan ka ng mga hayop, at kailangan mo ng mga datos. Nagsasagawa kami ng mahahalagang pananaliksik, nagpapanatili ng isang online library ng pagsasaliksik, at direktang sumusuporta sa mga advocates at mga organisasyon sa kanilang mga gawain para magligtas ng mga buhay. Ang mga datos na aming inaalok ay nakatutulong sa ating kilusan upang maunawaan kung paano nag-iisip at kung paano tumutugon ang mga tao sa adbokasiya, na nagbibigay sa mga advocates ng pinakamahusay na mga estratehiya para magbigay ng inspirasyon tungo sa pagbabago para sa kapakanan ng mga hayop.
Ang Kailangan Mo Para Maging Epektibo
Ang aming Mga Orihinal na Pag-aaral ay maingat na pinili, dinisenyo, at ginawa upang magbigay ng mga datos na naaaksyunan at nakapagbibigay pagunawa para maprotektahan ang mga hayop. Tinutulungan kami ng prioritization process sa aming pagsasaliksik na matukoy ang mga pag-aaral na may mataas na potensyal na epekto para sa mga hayop, at tinitiyak ng aming obligasyon sa transparency at masusing mga pamamaraan na ang aming mga pag-aaral ay nasa pinakamataas na kalidad. Ang aming mga pag-aaral ay inilathala sa daan-daang publikasyon sa mga animal adovcacy circles gayundin sa mainstream media, at ginagamit ng mga animal advocate groups sa buong mundo.
Lahat ng nasa Faunalytics Library ay libre, at naglalaman ng mga pagsusuma sa mahigit sa 4,000 peer-reviewed na mga artikulo sa pagsasaliksik, mga sarbey ng pampublikong opinyon, at mga blog post na nagbibigay ng malalim na pagsusuri sa bawat isyu na iyong maiisip na may kinalaman sa mga hayop. Sa buong muindo, ito ang pinakamalaking koleksyon ng opinyon at behavior research tungkol sa mga isyu sa hayop, at ipinapakita ito nang may diin sa pagiging epektibo, madaling mabasa, at kakayahang magamit. Mag-sign up para sa aming email alerts at makatatanggap ka kada linggo o kada buwan ng mga update sa pinakabagong pananaliksik na aming ginawa, na diretsong ihahatid sa iyong inbox.
Makakakuha ka ng komprehensibong pangkalahatang ideya sa isang partikular na paksa sa pamamagitan ng paggagalugad sa aming Faunalytics Fundamentals, isang serye na nagbibigay ng mga infographic at visualization ng datos na tutulong sa iyo na makakuha ng kaalaman at manatiling may kaalaman. Nasa serye ng Fundamentals ang lahat ng kailangan mo para makapagsimula o ma-update ang iyong kaalaman sa isang pamilyar na area, at ang mga visual ay lubos na maibabahagi bukod pa sa advocacy audience.
May tanong ka ba sa pananalik na hindi mo alam kung paano lulutasin? Gusto mo bang pag-aralan nang higit pa ang isang partikular na isyu ngunit hindi mo alam kung saan magsisimula? Tanungin mo lamang kami! Ang Mga Oras ng Opisina ng Faunalytics ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong direktang kumonekta sa amin at makatanggap ng tulong mula sa isang Faunalytics tungkol sa disenyo ng pananaliksik, estratehiya, at mga tanong sa pangkalahatang kaalaman. Nakikibahagi rin kami sa mga piling proyekto bilang ka-partner ng mga advocacy groups. Kung interesado kang makipag-partner sa amin, makipag-ugnayan lamang!